Sulat mula kay Nerissa, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Problema:
1. Second year na ako sa kursong Marketing at bumababa ang mga grades ko. Nalungkot ako at parang tinatamad na akong mag-aral kasi hindi ko akalaing bababa ang mga grades dahil sa pahirap na pahirap na mga eksamen. Kaya naman parang iniisip kong mag-shift na ng kurso o huminto na lang sa pag-aaral at magtrabaho na lang ako.
2. Tama ba ang desisyon kong ito? Kung magshi-shift ako, anong kurso ang mairerekomenda ninyo na bagay sa akin na siguradong matatapos ko? Kung maghahanap naman ako ng trabaho, mapapasok naman kaya ako agad kahit na undergrad ako? Nais ko rin pong malaman kung makapaga-abroad ba ako, kasi po ito ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin. Gusto nilang mag-abroad ako para maiahon ko sila sa kahirapan. May 1, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Nerissa, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Ang zodiac sign mo taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing bagay na bagay naman sayo ang kurso mong Accutancy, kaya hindi ka dapat mag-shift o mag-iba ng kurso. Maraming isinilang na naging tagumpay sa nasabing career at sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing kung halimbawang nakatapos ka na, tuklasin ang mas mataas pang pag-aaral.
Graphology:
Pansining tila umaangat pataas ang iyong lagda. Ito naman ay tanda na ngayon palang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang pangingibang bansa. Mangyayari pagkatapos mong mag-aral, may mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang magkaroon ka ng inspirasyon at ‘wag nang tamarin sa pag-aaral, tulad ng nasabi na sa Palmistry at Cartomancy, kailangan mong magka-roon ng boyfriend at bukod sa boyfriend na makakatulong upang matapos mo ang iyong pag-aaral, ugaliin mo ring magsuot ng kulay na asul, violet at pula. Sa ganyang paraan, ang magagandang pag-aanalisang tinuran sa itaas ay kusa ng matutupad sa iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Nerissa ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat gawing pagbabago sa kasalukuyan, kundi ang makipag-boyfriend sa isang ka-klase mo din. Sa ganyang paraan, tiyak na ang magaganap, lilipas ang mga dalawa o tatlong taon, ganap ka nang makatatapos ng pag-aaral.