MARAMI ang nagtatanong kung bakit ala sa mga pinarangalang “movie icons” sa katatapos lang na The EDDYS awards ang kaibigan-kumareng idol naming si Cong. Vilma Santos?
Sa paliwanag ng isa sa mga nakausap naming patnugot at opisyal ng SPEEd (ang grupo ng entertainment editors na nasa likod ng EDDYS), “By batch ang pagbibigay namin. May specific period o dekada na naging icon ang isang artista. Halimbawa si Susan Roces noong 60s, si Nora Aunor noong 70s, Maricel Soriano nu’ng 80s. Yung mga gaya nina Eddie Garcia at Charo Santos, they were included dahil sa recent time, nandiyan pa rin sila at talagang matatawag na silang iconic.
“Vilma Santos will definitely have her time dahil baka nga siya itong sa halos lahat ng dekada ay present at pinag-uusapan pa rin. Siya ang aming kauna-unahang Best Actress awardee at tunay na icon siya sa industry.
“For sure, next year, baka siya ang mabigyan ng icon ‘for all decades’ dahil sa numerous and relevant contributions niya,” sabi pa sa amin ng SPEEd officer.
So there!
q q q
Impresibo at mukhang relevant naman ang walong entries sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino (Aug. 15-21) sa lahat ng sinehan sa bansa.
As expected, mataas ang inaasahang tagumpay ni FDCP Chairperson Liza Dino dahil aniya,
“Salang-sala ang entries at very cooperative ang lahat.”
Narito ang Final 8 this year: “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” ni Jun Lana na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Jameson Blake; “Bakwit Boys” ni Jason Paul Laxamana starring Nikko Natividad, Ryle Santiago at Vance Larena; “Madilim Ang Gabi” ni Adolf Alix, Jr, kung saan bida sina Gina Alajar at Phillip Salvador; “Pinay Beauty” ni Jay Abuello starring Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman.
Nandiyan din ang “Signal Rock” ni direk Chito Roño na pinagbibidahan nina Christian Bables and Francis Magundayao; “The Day After Valentines” ni Jason Paul Laxamana uli starring JC Santos and Bela Padilla; “Unlife” ni Miko Livelo kasama sina Vhong Navarro at Wynwin Marquez; at ang “We Will Not Die Tonight’ ni Richard Somes kung saan bida naman si Erich Gonzales.
q q q
Hindi naman marahil nagpapapansin si Bela Padilla nang mag-tweet siya na umano’y sinubukan niyang maging “cool at disente” sa pagsagot sa mga tanong sa kanya during the presscon of PPP.
Sey ni Bela na “rude at bastos” ang mga ipinukol sa kanyang mga tanong at hindi raw niya magagawang sumagot para lang lumabas ang anggulo na nais palabasin ng reporter.
Ayon sa isang colleague natin, matagal nang pikon si Bela kapag natatanong tungkol sa kanyang personal life. Mukhang hindi pa ito nasasanay sa kalakaran sa showbiz, lalo na kapag nauungkat ang tungkol sa usaping pag-ibig o lovelife.
Hindi na namin inabutan ang sinasabing interbyu kay Bela, pero may feeling kami na may kinalaman ito sa napabalitang panliligaw sa kanya noon ni Zanjoe Marudo, na ngayo’y meron nang ibang babaeng pinagkakaabalahan?
Hindi kami sure pero may mga tsismis kasing kumakalat na nagulat daw si Bela sa balitang may GF na si Zanjoe? Kapag ganito ba ang tsismis natin Kapatid na Ervin, rude at bastos na rin tayo? Ha-hahaha!