Sa ilalim ng bagong batas, papatawan ng mas mabigat ng parusa ang mga taong may alam sa hazing, ngunit hindi ito ipinaalam sa otoridad.
Nahaharap ang mga opisyal at miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing sa parusang reclusion temporal at multang isang milyon, samantalang mas mabigat naman ang parusang naghihintay sa mga miyembro ng fraternity na sangkot sa hazing na nakainom o nakadroga.
Sila ay papatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong at P2 milyong multa.
Parusang habambuhay na pagkabilanggo at P3 milyong multa naman ang ipapataw sa mga alumni ng fraternity na sumali sa hazing at nagresulta sa pagkamatay, rape, sodomy o mutilation ng biktima.
Mananagot din ang unibersidad kung saan mahaharap sa P1 milyong multa ang mga opisyal sakaling nabigong pigilan ang hazing sa kanilang paaralan.