Van ng suspects sa Trece vice mayor slay narekober

NAREKOBER ng sasakyan na umano’y ginamit ng mga armadong pumatay kay Vice Mayor Alex Lubigan ng Trece Martires City, Cavite, sa bayan ng Maragondon, Miyerkules ng umaga.

Natagpuang abandonado ang kulay-metallic black/dark green na Toyota Hilux sa Mabacao-Pantihan Bridge, Brgy. Tulay B, alas-6:55, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Sinusuri pa ng lokal na pulisya at Special Investigation Task Group “Lubigan” ang sasakyan.

Read more...