“Huwag mong isali ang Diyos mo doon sa platform of your criticism on your attack. Because when I answer, pagka sinali mo sa issue — sinali mo ang Diyos, p****** i** patayin…I have the right to answer. There is a separation of powers. Why are you f***** the name of the Lord against me? So pagsagot ko, since ang forefront mo Diyos, eh bakit ka maghinakit diyan kung sabihin ko…,” sabi ni Duterte sa isang pahayag sa Pampanga.
Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tiniyak ni Duterte kay Valles na hindi muna babanat sa Simbahan matapos ang one-on-one meeting sa Malacanang, Lunes ng hapon.
“Because I am now forced to recreate a design of my God na hindi ko magawa ng ganun. Ang Diyos ko forgiving, ang Diyos ko hindi bastos. Ang Diyos ko hindi nagmumura. As a matter of fact, ang Diyos ko walang sinasabi except the 10 commandments. Wala, wala siyang….,” dagdag pa ni Duterte.
“And then when you use God to say that I’ll go to hell. You know my God never created hell. Because if He created hell, He must be stupid God. My God is not stupid to create man just to burn him in hell. Hindi ako naniniwala ng ganun eh. I do not believe in heaven,” ayon pa sa pangulo.
Muli pang inulit ni Duterte ang pangakong magbibitiw sakaling makapagpakita ng selfie sa Diyos.
“Ngayon kung may tao na pumunta doon sa heaven, magdala ka ng anong gusto mong camera, maski ‘yang mura diyan sa Quiapo. I-selfie mo lang ang Diyos, kayong dalawa pakita mo sa akin, ‘Ito ‘yung Diyos,” sabi ni Duterte.