Mula sa 56 porsyento noong Marso, bumaba ang rating ni Duterte sa 45 porsyento. Ito na ang pinakamababang rating ni Duterte mula ng manungkulan siya noong Hulyo 2016.
Ang sumunod na pinakamababa ay 48 porsyento na naitala noong Setyembre 2017. Ang pinakamataas na net satisfaction rating ni Duterte ay 66 porsyento noong Hunyo 2017.
Sa pinakahuling survey, si Duterte ay nakakuha ng 65 porsyentong satisfaction rating, 15 porsyentong undecided at 20 porsyentong dissatisfied.
Nakapagtala si Duterte ng pagbaba sa kanyang satisfaction rating sa lahat ng bahagi ng bansa. Siya ay nakakuha ng 59 porsyentong satisfied, 16 porsyentong undecided at 25 porsyentong dissatisfied sa Metro Manila mula sa 72-10-14 sa March survey.
Sa iba pang bahagi ng Luzon ay 57-19-24 mula sa 58-23-19. Sa Visayas ay 67-13-20 mula sa 75-16-9. Sa Mindanao ay 84-7-8 mula sa 87-8-5 noong Marso.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na edad 18 pataas. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.
MOST READ
LATEST STORIES