Gunman patay matapos ang shootout sa bahay ng Cebu archbishop

PATAY ang isang hindi pa nakikilalang armadong lalaki na nakipagbarilan sa mga pulis matapos namang pumasok sa loob ng Archbishop’s Palace sa Dionisio Jakosalem st., Cebu City, kaninang umaga. 

Ayon sa ulat, nakasuot bonnet ang lalaki nang pumaso sa palace compound at hinanap si Cebu Archbishop Jose Palma. 

Hindi umano ito sumunod sa atas ng security personnel.

“According sa witness natin, hinahanap si Bishop. It was unusual so tumawag sila ng pulis. At nung tumawag sila ng pulis, nagkaroon ng engkwentro,” sabi ni Chief Inspector Maria Teresa Macatangay ng Cebu City police sa panayam ng dzBB.

Nakipagbarilan umano ang suspek sa mga miyembro ng Cebu City Police Station Special Weapons and Tactics team sa parking lot ng palace, na nagsisilbijg tahanan ng bishop.

Ligtas naman si Palma sa nangyaring insidente.

Read more...