Good morning po Doc. Heal. Ano po ang mainam na maipapayo mo sa akin, kasi ang problema ko po kahit anong gawin ko na gusto kong tumaba walang epekto pa rin. Wala naman akong bisyo at paborito kong kumain ng gulay. Ang timbang ko po ay 51, 5.6 height ko, 21 years old. Taga Tandag, Surigao Del Sur. Salamat po –…4822
Pagkain lang ang magbibigay ng calories at enerhiya para tumaas ang timbang, hindi ang pampataba. I-develop mo ang muscles mo sa pamamagitan ng exercise, sabayan mo ng pagkain na masusustansya at sagana sa protina.
Gudam po, Doc. Maitanong ko lang po ako, nagaalala lang kasi ako sa health ko at age of 25 years old problema ko yung pagkain. Pag pumapayat ako ang tagal bumalik nang natural kong pangangatawan. Joms, 25, Davao City, …6328
Magpakuha ka ng thyroid function test (T3,T4,TSH), chest x-ray at CBC. Magpatingin sa malapit na doctor para maipakita ang mga resulta nito.
Good day, doc Heal. Ano po ba ang mabisang paraan para lumiit ang aming bilbil or tyan? Kahit anong gawin naming ay hindi lumiliit. Nawawala po kasi ang self confidence naming. Nakakalaki po ba ang malamig na tubig? Salamat po.. – Chen, 28, Davao City, 1508
Ang bilbil ay nagpapakita na mataba ka. Hindi mo pa nagagawa ang lahat na dapat na gawin, sa totoo lang hindi mo pa nagagawa ang pinaka importanteng dapat gawin – ang pagsupil sa “OVEREATING”. Hindi nakakataba ang tubig, malamig man o mainit, bagkus ay maari mong gamitin ito para makontrol ang iyong “FALSE APPETITE” o katakawan.
Good day, Doc. Heal. 25 years old po ako, taga davao may konti lang akong tanong ano po ba ang gamot sa varicose veins kasi masakit na siya, wala po bang gamot para mawala ito? — …5127
Maaga pa para magkaroon ka ng varicose veins. Dapat lang na malaman muna ang sanhi nito. Gawin mong mas mataas sa level ng puso mo ang iyong mga paa kapag nakahiga. Iwasan ang nakatayo nang matagal na hindi ginagalaw ang mga paa o kaya naman ay gumamit ng compressive stockings Kung maari pwede kang magpakuha ng venous Doppler ultrasound sa lower extremities.
Si Dr. Heal ay regular na mapapakinggan sa Radyo Inquirer 990AM sa programang RADYO MEDICO, mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8 hanggang alas-9:30 ng gabi.