Itlog
Isa ang itlog sa kadalasang sanhi ng eczema, isang uri ng skin allergy, lalo na sa mga bata.
Ang puti nito ang siyang kadalasang sanhi. Ang malimit na pagkain nito ay puwedeng magsanhi ng pamamantal.
Wheat
Maraming pagkain ang nilalahukan ng wheat gaya ng tinapay, kahit ketchup at ice cream ay meron nito. Pwedeng magsanhi ito ng dermatitis.
Shellfish
Nakakita ka ba ng allergic reaction dahil sa shellfish, nakakatakot! Kadalasan ang matinding pangangati, pamamaga ng mukha.
Isda
Ang allergic sa isda ay pangmatagalan. Ang sintomas nito ay mula sa pangangati hanggang sa halos hindi makahinga.
Gatas
Kadalasan ang allergic sa gatas ay nasa hanay ng mga bata. Kadalasan ay gatas mula sa baka ang sanhi ng allergy, kaya nga laging ipinapayo na breastmilk pa rin ang mainam sa mga sanggol.
Mani
Bagamat ang allergy sa mani ay kadalasan na may sintomas lang ng pagkakaroon ng runny nose at rashes, may mga reaksyon na higit na nakakaalarma gaya ng mahirap na paghinga at pag-collapse. Ang ilang butil nito ay pwedeng magdala sa iyo sa ospital dahil sa tindi ng reaction.
Soya
Kadalasan sa mga bata ito nakikita. Kaya hindi nila ma-enjoy ang pagkain na mula rito gaya ng taho. Ang allergic dito ay kadalasan nagkakaroon ng runny nose, mouth sore at pamamaga ng mga mata.