Darna costume mula sa DOTA artist hindi pwedeng isuot ni Liza

NAKITA namin sa isang Facebook fan page ang Darna interpretation ng DOTA artist na si Kunkka whose real name is Kendrick Lim.

Nakakaloka ang sketch na ginawa ni Kendrick sa Darna version ni Liza Soberano. Sobrang sexy at very futuristic ang projection niya ng makabagong Pinay superhero.

Sa kanyang interpretation ay bongga ang costume ni Darna. Kaya lang, baka hindi ito ma-approve dahil kita ang butt cheeks ni Liza.

Marami naman ang humanga sa Darna sketch ni Kendrick.

“Sana ganito outfit ng Darna. Pero dapat cover ang pwet ng palda. Head dress simple pero magaling! Galing ng artist!”

“Siguro pag sinama si DARNA sa Marvel superheroes siguradong pagkakaguluhan sya.”

“Syet…ganda ng head dress babagay kay Liza pero yung sa baba malabo.”

“Kung ganyan ang suot ni liza sa Darna, super mega blockbuster yan.”

Samantala, sa Bagani ay nag-aalala si Ganda (Liza) na baka makasakit siya ng kapwa.

Pinaalalahanan naman siya ni Lakas (Enrique Gil) na bahagi iyon ng kanyang pagiging bagani at makakatulong ito para mapanatili ang kapayapaan sa Sansinukob.

Read more...