Kris mas gustong ka-movie date sa ‘I Love You, Hater’ si Atty. Gideon kesa kay Bistek

MAY nagtanong na netizen kay Kris Aquino kung sino ang gusto niyang maka-movie date sa first day ng pelikula niyang “I Love You Hater” ngayong darating na Miyerkules, July 11.

May pa-Q&A uli kasi ang Social Media Queen last weekend sa Instagram at isang follower nga niya ang naglakas-loob na nagtanong ng, “Who would you choose for a movie date? Mayor Herbert or Atty. @the.mightywarrior (si Atty. Gideon Peña na nali-link sa kanya)?”

Ang diretsong reply ni Kris, “@the.mightywarrior definitely.” Wala naman siyang idinugtong na paliwanag sa kanyang sagot.

Sundot na tanong naman ng isa pang netizen, “Nanliligaw po ba si Atty. @the.mightywarrior sa inyo Ms. @krisaquino at may chance po ba siya sa puso niyo?” Sey ni Kris, “No. He is easy to love and respect but I feel we are meant to remain friends.”

Na-link ang dalawa nang magpalitan sila sa social media ng sweet messages at mga hugot lines tungkol sa lovelife kamakailan. Una silang nagkakilala nang mag-guest si Gideon sa online show ni Kris na “Unscripted With Kris.”

Habang nasa Bangkok, Thailand nitong weekend (para sa isang endorsement shoot) kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, nag-post si Kris sa IG ng thank you message para sa isang taong nagpakita raw ng totoong respeto at tiwala sa kanya.

Narito ang laman ng quote card na ipinost ni Tetay sa IG, “This is a much deserved #gratitude post because in a short period of time, he has consistently shown me genuine concern, friendship, respect, & trust.

“Promised my sons some ‘just US’ no social media posting time for until we get home on Monday… so keeping my word & unplugging.” Agad na nilinaw ni Kris na ang mensaheng ito ay para kay Atty. Gideon at hindi para kay Bistek.

 

Read more...