Bagyong Gardo paparating na

PAPASOK sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na tatawaging Gardo bukas at labas sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang bagyo, na may international name na Maria ay magpapalakas sa Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ang bagyo ay umuusad ng pa-hilagang kanluran at kung hindi magbabago ng direksyon ay hindi ito daraan sa kalupaan ng bansa.

“Landfall in any part of the country remains unlikely,” saad ng PAGASA.

Umaabot sa 185 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala ng bagyo at pagbugsong 225 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras. Kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,315 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Read more...