Bagets actor na may video scandal nagpapa-rehab

AY, grabe pala ang parusa na ibinigay sa isang young male performer na matagumpay sanang nakapag-cross over, mula sa kanyang larangan papunta sa acting.

Very promising ang ipinakitang gilas sa pag-arte ng male performer na ito sa halos magkasunod na soap na ginawa niya.

Ang siste, pagkatapos ng huli niyang teleserye ay saka naman lumabas ang isyung meron pala itong video scandal na sinahugan pa ng usapin sa pagkalulong niya sa pag-inom? Yes, sa murang edad nga nito ay natuto pala si bagets na maging lasenggo na siya ring dahilan kung nagkaroon siya ng video scandal.

Kaya bago pa man maiskandalo nang bonggang-bongga ang buhay ni bagets ay minabuti ng handlers nito na siya’y pagbakasyunin muna at sumailalim sa rehabilitation program.

‘Yan ang reason kung bakit biglang nawala sa eksena ang bagets.

Read more...