Maine naging instant mommy ni Baeby Baste

PINAPELAN ni Maine Mendoza ang pagiging yaya ni Baeby Baste sa nakaraang taping nila para sa episode ng Daig Kayo ng Lola Ko na mapapanood ngayong gabi.

May sakit kasi ang Nanay Sheila ni Baste kaya naman hindi niya nasamahan sa trabaho ang anak.

Siyempre, alagang-alaga ni Meng si Baeby Baste kaya naman nag-post ang Eat Bulaga child wonder sa kanyang Instagram account ng sweet moments nila ng kanyang “Yaya Meng.”

“Thank you po Bes Laura wala si Mama She, not feeling well, kaya si ate @mainedcm na po nag ayos sa aking hair,” caption ni Baste sa picture nila ng Dubsmash Queen.

Sanay na rin sa pag-aalaga ng bata ang Phenomenal Star dahil meron din siyang batang pamangkin na madalas niyang kalaro kapag wala siyang trabaho.

Bago manood ng DKNLLK, isi-celebrate ni Meng ang 3rd anniversary niya sa showbiz kasama ang mga nagmamahal sa kanya sa event na “MaineLandia 2018, A Unity Fun Fair” na gaganapin sa Circuit Makati Event Grounds, 8 a.m.

May pa-show pa si Meng kung saan magiging performers ang Eat Bulaga’s Music Hero na sina Leanne at Naara, Gloc 9, Shanti Dope, Moonstar 88, MYMP at iba pa.

Read more...