Echoserang palaka: Pa-hunk na male star buking na buking ang kabaklaan

ECHOSERANG frog ang tawag ng isang tropa sa isang male personality. Maraming kuwento tungkol sa lalaking personalidad na palaging napapanood sa TV.

Kapapasok pa lang niya sa isang show ng malaking network ay maugong na ang mga kuwento na miyembro ng mga kalalakihang may dala-dalang banderang violet ang male personality.

Miyembro siya ng isang kilalang grupo ngayon, puro guwapo ang magkakatropa, pero para sa mga nakakakilala sa male personality ay siya ang reyna ng grupo.

Kuwento ng isang source, “Naku, ha? Nakakatawa ang sinabi niya na naapektuhan kuno siya sa babaeng kasama niya sa isang project. Nu’ng sabihin niya ‘yun sa harap ng mga reporters, e, parang may mga gustong magtakbuhan sa CR para du’n sumuka!

“Kasi naman, may mga ganu’ng paepek pa ang male personality na ‘yun, e, matagal na namang alam ng mga katrabaho niya na lalaki rin ang hanap niya!

“Tantanan na kasi niya ang mga dramang wala sa tiyempo! Paano naman siya makakaramdam ng kakaiba para du’n sa girl, e, pareho lang naman ang hanap nila, lalaki!” simulang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsan kunong sumali sa isang contest para sa mga macho ang male personality na ito ay maraming nakapansin na malikot ang kanyang mga mata. Hindi siya mapakali, para siyang pusang hindi maihi, dahil puro macho at guwapong mhin ang nakapalibot sa kanya.

“Tantanan kami! Kilalang-kilala siya ng mga kasamahan niya! Kung nandu’n lang ang mga bagets na kasamahan niya, e, baka sabay-sabay na nagtakbuhan ang mga ‘yun sa CR para magsisuka!

“Juice ko po, itik na naging pato! Sabihin ba naman niya nang harap-harapan sa mga reporters na nadala kuno siya sa kaseksihan at kagandahan ng katrabaho niyang girl!

“Nakakaloka siya! Pero ang totoo, e, gusto niyang makipagpaligsahan ng kaseksihan sa girl, ‘yun lang ‘yun! Aysus naman! Aysus naman talaga!

“Tawasin man nang patuwad ang mga nakakakilala sa kanya, e, hinding-hindi makapapayag ang mga ‘yun sa mga pinagsasasabi niya, puwede ba? Aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz!” panghuling chika ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sino ang klosetang ito!

Read more...