Darren pasok sa bagong movie ng KathNiel

NGAYON pa lang ay excited na ang mga fans ng Kapamilya singer na si Darren Espanto sa pagsabak nito sa larangan ng pag-arte.

Yes, natupad na rin sa wakas ang isa sa mga pangarap ni Darren na umakting sa harap ng mga camera.

Makakasama ang binatilyong singer sa bagong pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “The Hows Of Us.” Sa una niyang pagsabak sa akting, gaganap si Darren bilang kapatid ni Kathryn sa nasabing movie.

Unang nakilala si Darren sa unang season ng The Voice Kids Philippines. Hindi man siya ang nagwagi sa reality singing search ng ABS-CBN, nagtuluy-tuloy pa rin ang kanyang career sa music industry at itinuturing na ngayong isa sa mga promising young singers sa bansa.

Read more...