Mikey Bustos ibinandera ang Fun Taipei 2018 sa ‘My New Crushie’ music video

HINDI nagkamali ang Department of Tourism ng Taipei sa pagkuha sa Pinoy vlogger at YouTube sensation na si Mikey Bustos bilang bagong ambassador ng kanilang tourism industry.

Ayon kay Taipei Deputy Commissioner ng Department of Information and Tourism Chen Yu-hsin, siya mismo ang nagrekomenda kay Mikey para i-promote ang Taipei City as perfect city for food.

Sa nakaraang presscon para sa bagong proyekto nilang Fun Taipei 2018, ibinandera ang kanilang mga pambatong pagkain at desserts tulad ng mango shaved ice, beef noodles, fried chicken at ang sikat na sikat nilang tofu.

Sa pamamagitan ng music video na ginawa ni Mikey titled “My New Crushie” (base sa theme song ng 2017 Summer Universiade sa Taipei City) mapapanood ang mga fun activities at delicious treats na pwedeng ma-enjoy sa Fun Taipei. Umabot agad sa mahigit 13,000 views isang araw matapos itong ma-upload.

Tinanong si Mikey sa mediacon kung paano niya ikukumpara ang slogan ng Fun Taipei sa tourism slogan ng ating bansa na “It’s More Fun In The Philippines”.

“The fun here in the Philippines is very unique. But Fun Taipei is also unique especially in food, shopping, you know,” sagot ni Mikey na ipinanganak at lumaki sa Canada pero Pinoy na Pinoy pa rin ang puso.

Para sa mga hindi nakakaalam, naging runner-up si Mikey sa 2003 Canadian Idol at naging recording artist ng BMG Music Canada at Vik Recording. Ka-join din siya sa “Canadian Compilation Idol” na bumenta ng 60,0000 units sa Canada.

“Gusto ko lang kasing mag-share ng videos na ginagawa ko, I don’t get paid for it, mahilig kasi akong pumunta kung saan-saan mostly Asian countries at siyempre para tikman ang mga pagkain na sa bansang iyon mo lang makikita,” ani Mikey.

Sinabi rin ni Chen Yu-hsin na si Mikey ang unang foreign celebrity na inimbita nila para maging spokesperson para i-promote ang bansa nila.

Nag-offer ng visa-free program ang gobyerno ng Taiwan noong Hulyo 2017 at nagtapos nitong June 2018, pero dahil nakita nilang marami pa ring gustong makarating sa kanilang bansa, partikular na sa Taipei ay muli nila itong in-extend hanggang July, 2019.

Ngayon ang huling araw ng isinasagawang Taipei City 2018 Travel Madness Expo sa SMX Convention Center, Pasay City kung saan tampok ang all-year-round activities and food festivals na maaaring masaksihan as Taipei.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Tourism Development Division, Department of Information and Tourism, Taipei City executive, Yihsuan Lee (+886227208889 ext 6902) at Hunglin Lin (ext 7562) o sa B99 Events Management (09175691363).

Read more...