Vice mayor, 1 pa patay sa ambush

NASAWI ang bise alkalde ng Trece Martires City, Cavite, at kasama niyang lalaki nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin, Sabado ng hapon.

Agad nasawi si Vice Mayor Alex Lubigan, sabi ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon regional police.

Isinugod naman ang kasama niyang si Romulo Guillemer sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, ngunit binawian ng buhay.

Naganap ang insidente sa tapat ng isang ospital sa bahagi ng Trece Martires-Indang Road na nasa Brgy. Luciano, at naiulat sa lokal na pulisya alas-3:15.

Sakay si Lubigan ng itim na Toyota Hilux (conduction no. YV4077) nang pagbabarilin ng mga sakay ng isang itim na Mitsubishi Montero, ani Gaoiran, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Sinasabing patungo sa direksyon ng Indang ang Montero nang mamaril ang mga sakay nito, aniya. 

Read more...