Leptospirosis sa PhilHealth

ISA pong pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Palagi po kaming nagbabasa ng inyong pahayagan.

May gusto lang po sana ako na itanong sa PhilHealth dahil batid naman natin na ngayon ay panahon ng tag-ulan at mga bagyo. Bagaman huwag naman po sanang mangyari na kapag laging umuulan ay may pagbaha at kapag may baha ay posible po na magkaroon ng sakit na leptospirosis. Ask ko lang po sana kung covered po ba ng Philhealth ang Leptospirosis. Magandang katanungan na rin po ito para mabigyan ng impormasyon ang ating mga kababayan na maaaring maging biktima ng naturang sakit.
Salamat po.

Elena Valmaceda
Bulacan

REPLY: Saklaw po ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang pagpapagamot sa leptospirosis sa alinmang accredited hospitals nito.

Ang leptospirosis ay dulot ng bakteryang Leptospira interrogans na nasa ihi ng mga hayop gaya ng daga, at karaniwang naisasalin sa mga taong lumulusong sa baha na kontaminado ng nasabing bakterya.

Ang coverage ng PhilHealth para sa leptospirosis ay P11,000 kung saan kasama na ang bayad sa doktor, at dapat na ibawas kaagad sa hospital bill bago lumabas ang pasyente.

Upang maging kwalipikado sa nasabing benepisyo, ang miyembro ay dapat na may bayad na hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng anim na buwan bago ang unang araw ng pagkakaospital.

Nagpaalala rin ang PhilHealth sa mga Indigent, Sponsored, Kasambahay at Senior Citizen members nito na sila ay wala nang dapat pang bayaran pagkaraang maibawas ang PhilHealth benefits nila sa ilalim ng No Balance Billing Policy kung nagpagamot sa mga pampublikong ospital.

Ang PhilHealth ay nagbayad ng P21.8 milyon sa claims para sa leptospirosis noong 2017, mataas ng 46 percent kumpara sa P15 milyon noong 2016.

Sakali namang magkaroon ng kumplikasyon ang pasyente na mangangailangan ng dialysis, ipinaalala rin ng PhilHealth na mayroong silang bukod na benepisyo para rito.

Para asistehan ang mga miyembro at qualified dependents nila sa paga-avail ng benepisyo para sa leptospirosis, tumawag sa 24/7 PhilHealth Corporate Action Center sa (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.p(02) 441-7444h. (END)
Reference: Corporate Affairs Group, (02) 441-7444 loc. 7652-54

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...