Kris bumilib sa paninindigan ni Terrence para sa Gilas: Gusto kitang kaibiganin!

MUKHANG may mabubuong magandang friendship sa pagitan nina Kris Aquino at Terrence Romeo. Ito’y matapos magpalitan ng mensahe sa social media ang dalawa tungkol sa rambulang naganap sa 2019 FIBA World Cup qualifier last Monday.

Nagpasalamat ang Gilas Pilipinas player na si Terrence kay Kris dahil sa pagkampi at pagtatanggol nito sa kanila kontra Australia Boomers. Kasabay nito ang pagso-sorry ng cager sa madlang pipol hinggil sa naganap na “basketbrawl” sa pagitan ng Gilas at Boomer.

Sinagot ni Kris ang mensahe ni Terrence at nag-dialogue pa ng, “Gusto kitang kaibiganin.” Nag-reply naman ang binata ng, “Same here, ma’am. I’m humbled po. Salamat po sa support.”

Sey ng Social Media Queen, bumilib siya sa tapang at prinsipyo ni Terrence, lalo na ang paniniwala nito sa kasabihang “walang iwanan.”

“Ganyan ang pananaw ko sa buhay — pag pamilya o kaibigan, lalong-lalo na sa gipitan, walang iwanan. You’ve been raised well by your parents. Nag-sorry ka, pero pinaintindi mo nang klaro ang paninindigan mo,” sey ni Kris.

Sinagot naman ito ni Terrence ng, “Maraming salamat po, ma’am. It takes one to understand one. Keep supporting Gilas po. God bless you and your family.”

Read more...