Bistek kay Kris: Ibang klase kang tao!

“MUTUAL respect.” ‘Yan ang status ng relasyon ngayon nina Kris Aquino at Q.C. Mayor Herbert Bautista.

Nakachikahan ng entertainment press si Mayor Bistek kahapon kasabay ng pamimigay ng kanyang librong “Life In Full Color (The Herbert Bautista Biography). Aniya, “It’s a special bond e, alam mo yun na hindi kayo mag-girlfriend, boyfriend. Hindi din kayo barkada lang, special e. Kaya nga ang sinabi ko mutual respect at mataas na uri ng pagkakaibigan.”

“Maraming, maraming salamat sa kanya, dahil yung panahon na ibinigay namin sa isa’t isa e, marami kaming natutunan and naging moral booster siya sa akin, moral booster ako sa kanya and anchored yun sa isang mutual respect. Maraming, maraming salamat sa’yo Kris dahil iba, ibang klase kang tao,” pahayag pa nito.”

Ibinuking din ni Bistek na si Kris ang nagbayad sa huling “date” nila dahil nag-decline daw ang credit card niya. “Yung credit card (issue) totoo ‘yun, na-decline siya, e, walang laman ‘yun, e. Kaya siya ang nagbayad,” sey ni Mayor sabay tawa.

Read more...