MARAMI — and not just a few—ang nakapansin kung bakit wala sa listahan ng mga Icon Awardees ng The EDDYS (ng grupong SPEEd) sina Vilma Santos at Sharon Cuneta.
Why nga ba?
Una sa lahat, dahil hindi kami kasapi ng asosasyong binubuo ng mga entertainment editors kung kaya’t we’re not privy to the selection process.
But we could imagine though kung paanong binusisi ng mga miyembro nito ang proseso, kung saan nagsasalimbayan ang mga makabuluhang opinyon until they arrived at the final list.
For sure, may mga kasapi rin naman doon who rooted for both Vilma and Sharon but their votes were outnumbered.
Looking from the outside, ipaglalaban din naming mapasama sa talaan ang Star for All Seasons at ang Megastar. At kalakip nito ang aming punto de vista why we believe their names should be on the list.
Kunsabagay, as in all award-giving bodies ay may kanya-kanyang set of criteria o pamantayan. Ang nananalo ngang Best Actor sa isang award-giving body doesn’t mean a grand sweep. Even nominations vary, mga winners pa kaya?
q q q
Speaking of Sharon, personal niyang sinamahan ang kanyang Kuya Chet (Cesar Cuneta) sa Comelec sa Pasay City nitong July 2 para magparehistro.
Kasado na kasi ang pagtakbong mayor ni Chet sa nasabing lungsod sa 2019 local (sabay ng national) elections.
For everybody’s info, Chet was our classmate in high school (Sta. Clara Parish School). Transferee siya from La Salle Greenhills.
That time ay alkalde na ang kanyang amang si Pablo Cuneta (SLN) while Sharon was starting to build her recording career.
After high school ay manaka-naka na lang kaming nakakabalita tungkol kay Chet who later became a pilot. Captain na siya ng Cebu Pacific. Sa kanyang pagpasok sa local politics, Chet is willing to give up his more than three decades spanning his aviation career.
Minsan nang tumakbo si Chet bilang city councilor but luck wasn’t on his side. Baka hindi pa niya panahon.
Taong 2000 or earlier, ang matunog na tatakbo dapat sa aming lugar ay si Sharon but for some reason ay hindi ‘yon natuloy.
Baka Sharon’s not really cut out for politics unlike her dad and husband.
A political scion taking over Pasay City? Why not?
q q q
Without fail ay hindi nakakaligtaan ng mahusay at beteranong lighting director na si direk Joey Nombres ang pag-iimbita sa amin sa tuwing meron siyang pinamamahalaang stage musical.
Ang lagi niyang taong through PM sa amin ay kung ilang compli tickets ang aming gusto kalakip ang mga oras at playdates ng mga dula.
Sa mga hindi pa nakakapanood ng “Binondo” ay may chance pa kayo to catch it tonight at 8 at hanggang bukas same time at the Solaire.
Everybody’s raving about “Binondo” kung gaano ito ka-world class in all its theatrical aspects. Mahalaga at maselang aspeto ang pag-iilaw sa mga dula na siympre’y pinagdalubhasaan na ni direk Joey.
Nakilala namin ang mahusay na lighting director during our radio days.
Hindi man umaalingawngaw ang aming boses sa airwaves ay hindi naputol ang aming ugnayan.
Muli, maraming thank you sa ‘di n’yo po paglimot, direk.