Itinakbo pa sa ospital ang 15-anyos, ngunit di na umabot nang buhay, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang 16-anyos.
Naganap ang insidente pasado alas-4, sa Aurelio Arago National High School ng Brgy. Leido, kung saan grade 7 student ang nasawi at grade 10 naman ang 16-anyos.
Sinabi sa pulisya ng isang grade 9 student na nanonood siya ng mga kaeskuwelang naglalaro ng badminton at volleyball, nang dumating ang 16-anyos at pinagpapalo sa ulo ang 15-anyos.
Dahil dito’y bumagsak sa sahig at nawalan ng malay ang 15-anyos, ani Tolentino, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.
Nagsagawa ng hot pursuit operation ang Victoria Police nang matunugan ang insidente, hanggang sa matunton ang 16-anyos.
Dinala sa lokal na istasyon ng pulisya ang 16-anyos, bago ang pag-turn over sa kanya sa Municipal Social Welfare and Development Office.