Bagyo na papasok sa PAR posibleng maging super typhoon
PAPASOK sa bansa ang bagong bagyo at posible itong maging super typhoon sa Linggo o Lunes.
Tatawagin ang bagyo na Gardo, na may international name na Maria.
Dahil nasa karagatan pa, inaasahan na lalo pa itong lumakas at posibleng maging supertyphoon o bagyo na ang hangin ay mahigit sa 220 kilometro bawat oras ang bilis.
Hindi naman inaasahang magla-landfall sa bansa ang bagyo na daraan sa bahagi ng Japan at China. Pero palalakasin ng bagyo ang Hanging Habagat na magpapaulan naman sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw, ang bagyo ay nasa layong 1,965 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.