Para sa may kaarawan ngayon: Isang Capricorn ang bibihag ng iyong puso at kaluluwa at dahil dito ay tuloy-tuloy kang mai-in love at magiging maligaya. Sa tulong din ng nasabing nilalang, magkakapera ka ng malaking halaga. Panatiliing gising at buhay ang libido upang magpatuloy ang pagdating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Om.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Upang lalong tumibay ang relasyon, yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa aspetong pang-financial, bago matulog ay huwag kalilimutang magdasal at hilingin sa Diyos na umunlad. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Panatiliin ang ugaling pagiging mabait. Sa pinansyal at pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ay lalo namang sasagana at mas magiging maligaya ang iyong buhay, ganoon din ang buhay ng bawat miyembro ng inyong pamilya. Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Walang pag-asenso kung hindi ka kikilos nang may dagdag na extra mile. Ibig sabihin, wag kang makuntento sa kasalukuyan mong buhay. Umiisip ka ng mga radikal na paraan kung paano ka mas mabilis na aasenso at yayaman. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang negosyong may kaugnayan sa butil, sa komunikasyon at sa mga produktong may kaugnayan sa hangin. Mapalad ang 5, 19, 23, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Agara-Om.” Beige at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Mas liligaya kung muling magmamahal ng isang Capricorn. Sa pinansyal, bagong kalakal na may kaugnayan sa tubig at mga lusaw na bagay ang magpapaunlad ng kabuhayan. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Hagiel.” Orange at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Paglaanan ang nalalapit na kaarawan. Sinupin ang kabuhayan. Tandaang ang taong masinop, mas madaling yumayaman. Sa pag-ibig, simpleng date na lang ang ihanda para sa kasuyo ngayong weekend. Mapalad ang 1, 13, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Atha-Idam.” Yellow at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ang mga Virgo ay madaling nanghihina kapag naka-istambay lang. Kumilos nang kumilos hanggang sa matalisod mo ang napakalaking suwerte. Ang ibig sabihin ng “kumilos ng kumilos,” wag kang pipirmi ng bahay. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang gagawing gradeng bakasyon sa nalalapit mong kaarawan. Mapalad ang 4, 8, 23, 28, 31, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Nanlalamig ang kasuyo, painitin siya sa pamamagitan ng iyong nag-aalab na halik. Sa pinansyal, magtipid para may maitabi ka pang pera sa susunod nyong date ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 3, 18, 21, 34, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Red at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang patuloy na nagiging mataray at madaling mainis, lalo namang darating ang marami pang oportunidad ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig, wag labis na dominahan ang kasuyo dahil baka nakakahalata na siyang na lagi mo na lang siyang ina-under. Mapalad ang 4, 7, 28, 38, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Yellow at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kailangang makaipon ng maraming pera upang masimulan na ang iniisip na negosyong may kaugnayan sa pagtitinda. Sa pag-ibig, may dagdag kilig factor ang pakikipagrelasyon sa isang Aries. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Green at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung may darating na malaking halaga ng salapi tipirin! Sa pag-ibig, magiging masalimuot ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Ang pagpapasensya at unawa ang tanging solusyon upang maisalba ang gumegewang na relasyon. Mapalad ang 4, 15, 21, 25, 37, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Om”. Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag masyadong seryosohin ang pag-ibig, sapagkat sa sandaling nabigo, grabeng lungkot na naman ang idudulot sa iyo nito. Imbis na pakikipag-relasyon, bigyan mo ng priority ang pagpapayaman. Mapalad ang 4, 13, 23, 37, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” White at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Isang secret admirer ang nananabik na makasama ka ngunit wala siyang lakas ng loob na magyaya. Kilalanin siya sapagkat tugma at bagay kayong dalawa. Sa pinansyal, upang maiba naman, paglaanan ng budget ang mga gawaing may kaugnayan sa romansa at sex. Mapalad ang 5, 18, 29, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel.” Silver at blue ang buenas.
Horoscope July 06, 2018
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...