Cellphone bill ng sangay ng PCOO sumobra ng P300K

SUMOBRA ng P291,172.37 ang cellphone bill ng Bureau of Broadcast Services na nasa ilalim ng Presidential Communication Operations Office.

Ayon sa 2017 report ng Commission on Audit nabigo ang management na bantayan ang limitasyon sa paggamit ng cellphone ng mga empleyado nito alinsunod sa BBS Service Phones Guidelines.

Noon 2016 hanggang Agosto 2017 ay naka-subscribe ng BBS sa Smart Communication para sa 63 units na magkaka-iba ang plan. Nang mag-expire ang kontrata ay lumipat sila sa Globe at kumuha ng 16 unit sa ilalim ng Plan 1999 at 72 unit na Plan 999.

“The Telephone Expenses-Mobile account showed that for 2017, the agency expended a total of P2,417,970.08. Verification showed that of the total amount P291,172.37 pertained to mobile consumption in excess of the authorized limit/amount ranging from P0.50 to P24,294.48.”

Sinabi ng COA na dapat pabayaran sa mga gumamit ng cellphone ang sobrang nagamit nito.

“Inquiry with the accounting personnel disclosed that said excess consumptions totaling P291,172.37 were not yet collected from the mobile phone users of cell phones.”

Ayon sa COA mayroong probisyon sa BBS Guidelines na nagsasabi na ang labis na nakonsumo ng gumagamit ng dapat nitong bayaran tuwing bidding period. Maaari naman itong bayaran ng BBS kung mapatutunayan na ito ay ginamit bilang bahagi ng trabaho.

Read more...