P3M shabu nasamsam sa Bacolod

ARESTADO ang isang lalaki at babae nang makuhaan ng aabot sa P3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bacolod City, Miyerkules ng gabi.

Naaresto sina Rayden Palomero, isang “newly-identified drug personality,” at Rica Mitch Villalon dakong alas-10, sabi ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Western Visayas regional police.

Isinagawa ng mga tauhan ng Bacolod City Police ang operasyon sa Purok Bangrus, Brgy. 1.

Nakuhaan ang mga suspek ng 16 sachets ng hinihinalang shabu, P5,000 marked money, at tatlong deposit slip ng bangko.

Tinatayang 260 gramo, o halagang P3 milyon, ang hinihinalang shabu na nakumpiska sa mga suspek.

Read more...