Horoscope, July 05, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation at pagtulong sa mga mahihirap. Kung isasapuso ang malalim na katahimikan, lalong gaganda ang kapalaran higit lalo sa larangan ng pag-ibig at sa pananalapi. Mapalad ang 5, 14, 28, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Lilac at green ang buenas.
Aries – (March 21-April 19)—Bigyan ng ultimatum ang iyong sarili, upang magkaroon ng direksyon ang buhay, unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Purple at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—May kokontra sa binabalak. Wag magpadaig sa mga taong may negatibong isipan. Kung papairalin ang lakas ng loob at tapang malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, okey pa ring makisama sa isang Scorpio. Mapalad ang 6, 18, 24, 30, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Simpleng buhay ang susi upang magtagumpay. Wag gawing kumplikado ang pakikipag-relasyon. Manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 14, 26, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Govinda-Om.” Purple at magenta ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Mag-ingat, may mangungutang na naman. Kung hindi mo siya matanggihan ¼ lang ng inuutang nya ang iyong ipagkaloob, upang hindi sumama ang kanyang loob at hindi rin sasama ang loob mo sa sandaling hindi siya nagbayad. Sa pag-ibig, basta’t ang kasuyong Capricorn ang kasama magiging okey ang lahat. Mapalad ang 2, 7, 21, 27, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Veda-Om.” Red at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Ngayon pa lang iplano na ang nalalapit na kaarawan. Balikan ang mga lugar na una nyong pinuntahan ng kasuyo. Sa pinansiyal, may isang higit na mas mahalaga sa salapi, ang tapat at tunay na pag-ibig. Mapalad ang 1, 4, 22, 36, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sopresa ang darating! Isang Aquarius ang biglang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong maigi, magpalakas at palitan na ang nagtututong na underwear! Mapalad ang 5, 18, 23, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit-Om.” Green at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Kung hindi ka makapili sa maraming option, wag mag alaala, ang kapalaran ang kusang pippili at sa bandang huli ang pinaka-the best na bagay, sitwasyon, nilalang o pangyayari ang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Manhata-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, sipagan ang pagte-text ng sweet message sa minamahal upang lalo pang uminit ng husto ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Purple at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi maawat ang langit sa pagbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Upang magtuloy-tuloy ang buenas, lahat ng sosobra ay dapat na ipamahagi sa mga mahihirap, lalo na sa mga kapos palad ninyog kamag-anak. Mapalad ang 3, 15, 30, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang pagiging tapat sa kausap ang magiging simula ng pag-asenso at pagyaman. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohri-Om-Mohti.” Maroon at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Magdasal muna bago simulan ang anong gawain. Sa ganyang paraan, pagpapalain ka ni Lord. Sa pag-ibig hindi ka mabibigo, habang sa aspetong pang pinansyal lalo pang lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ang negosyong ayaw naman kumikita ng maganda ay dapat ng bitawan. Magsimula ka ng bagong negosyo ngayon na may kaugnayan sa pagkain at grocery. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipag-ugnayan sa malambing na Cancer. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 48 ang buenas. Mahiwaga mong manrta: “Yod-He Vau-Weh.” White at blue ang buenas.

Read more...