DIRETSONG inamin ni Maris Racal na nagpapalitan sila ng “I love you” ni Sue Ramirez at totoong “clingy” sila sa isa’t isa.
Ito’y kasabay naman ng pagsasabi ni Maris na si Sue na ngayon ang BFF niya at hindi na si Loisa Andalio.
Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, nilinaw ni Maris ang isyu tungkol sa lesbian relationship daw nila ni Sue. Sobrang close lang daw sila at sweet sa isa’t isa kaya napagkakamalan silang tomboy.
Baka raw may mga nakarinig lang sa kanila na nagsasabihan ng “I love you” kaya may kumalat na chika na may love affair sila. “Trip lang naman, lagi kami nag-I love you, tsaka clingy talaga kami,” sey ni Maris.
Hindi raw siya na-offend o nagalit sa isyu ng pagiging lesbian at sa katunayan, natuwa pa raw siya, “Hindi kami nagalit at all, natuwa ako na grabe ang dami palang nagsu-support kapag tingin nila may nag-a-out.”
Pero inamin ng dalaga na naapektuhan lang siya sa mga bashers na nagsasabing, “Maris, itigil mo na yang pagiging clingy mo kay Sue kasi naapektuhan na yung love team mo kay Iñigo (Pascual).”