DEAR Ateng Beth,
Tulungan mo naman akong magdesisyon. Balak kong magtungo diyan sa Maynila para kausapin ang tatay ko na nang-iwan sa amin. Kasi mula nang iwan niya kami ng nanay ko, di na naging normal buhay ng nanay ko.
Mahigit isang taon na po siyang di nauwi sa amin, at balita ko ay may iba na siyang pamilya.
Naninirahan po siya sa San Juan, sa tita ko na kapatid niya.
Naaawa po ako sa nanay ko, hindi ko na po siya nakakausap nang matino. Sabi po ng isa kong teacher, may depression daw si nanay. Ano kayang gagawin ko bukod sa kausapin si tatay?
Mau, Cebu
Dearest Mau,
Subukan nating tingnan ang sitwasyon mo…
Iniwan kayo ng tatay mo. At na depressed ang nanay mo. At ngayon ay hindi na makausap si nanay.
Kapag ba pinuntahan mo si tatay, babalik siya sa inyo? Kapag ba bumalik si tatay, ay hindi na siya aalis ulit at hindi na kayo mulingg iiwan?
Kapag ba bumalik si tatay at malaman ni nanay na may iba na siyang pamilya ay hindi na ba siya magkakaroon uli ng depression?
Sorry to say Mau na hindi natin alam ang tiyak na sagot sa mga tanong nating ito.
Masakit talaga kapag may umalis lalo na’t sila yung sandigan ng buhay natin.
Pero life has to go on. Sabi mo nga mahigit isang taon nang wala si tatay. So kahit papaano, kahit hindi normal, nagsurvive naman kayo, di ba?
Mas mahirap na kasi yung umasa pa kayong babalikan kayo ni tatay.
Kaya ang mainam na Gawain ngayon ay tulungan mo na lang si nanay. Bigyan mo sya ng rason para mabuhay ulit.
Kung kaya n’yo naman siyang laging isama sa buhay at araw ninyo, gawin ninyo.
Siyempre nakaka-depressed talagang mawala yung kalahati ng buhay mo di ba?
Lalo na kung malaman niyang may ipinalit na sa kanya.
Kaya tulungan ninyo si nanay na magdugtong ng buhay nya.
Bigyan at tulungan siya sa kung anong maaarig pagkakalibangan: Magnegosyo, mag charity work, maglibang.
Ipakita nyo sa kanya na kailangan ninyo siya, na may silbi at importansya siya sa buhay ninyo.
Pag nakita niya na nabubuhay kayo dahil andiyan siya, maybe she will get the will to live.
May problema ka ba sa puso o relasyon sa iyong asawa, partner, GF or BF o kahit sa boylet, pamilya, pag-aaral, idulog na iyan kay ateng Beth. I-text
ang iyong pangalan, edad at mensahe sa 09989668253