Tulong pinansiyal sa Boracay workers nagpapatuloy | Bandera

Tulong pinansiyal sa Boracay workers nagpapatuloy

Liza Soriano - July 04, 2018 - 12:10 AM

PATULOY ang tulong pinansiyal sa mga nawalan ng trabaho sa boracay.

Tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga libo-libong manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara ng Boracay para mabigyan sila ng tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng Adjustment Measures Program (AMP).

Mayroo pa lamang 3,600 apektadong manggagawa ang nag-aplay sa programa mula sa kabuuang 19,000 na nakarehistrong mga empleyado na inaasahang gagamitin ang nasabing tulong.

Kabilang sa tulong pinansyal ang P4,200 na ayuda kada buwan sa loob ng anim na buwan, employment facilitation, at mga pagsasanay.

Hinihikayat naman ang lahat ng mga nawalan ng trabaho sa Boracay na nasa pormal na sektor na mag-aplay sa tulong pinansyal na inaalok ng Pangulo.

Dapat nilang malaman na mayroong tulong pinansyal na naghihintay sa kanila upang makatulong na makabangon ang mga manggagawa sa pansamantalang pagsasara ng Boracay

Ang AMP Boracay Emergency Employment Program (BEEP), ay may layong palakasin ang pagkakataon ng mga manggagawa na magkaroon ng trabaho, linangin ang kanilang kapasidad at maibsan ang negatibong resulta sa ekonomiya ng rehabilitasyon ng isla.

Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang duly accomplished BEEP AMP Application Form; photocopy ng certificate of employment; photocopy ng anumang government-issued ID; at patunay ng isang account sa Land Bank of the Philippines sa DOLE Regional Office VI, o sa anumang mga Field Offices nito.

Para naman sa mga apektadong manggagawa na bumalik sa kani-kanilang mga bayan, maaari pa rin silang magsumite ng aplikasyon sa pinakamalapit na DOLE Regional/Field/Satellite Offices.

Samantala, ang mga manggagawa sa informal sector at indigenous people na naapektuhan ng pagsasara ng isla ay maaari ring mag-aplay ng tulong sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na nagbibigay ayuda naman para sa emergency employment sa pamamagitan ng 10-araw na community work.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending