Daniel waley sa final cast ng ‘Marawi’ movie, Robin apektado

DANIEL AT ROBIN PADILLA

SUPER excited na si Robin Padilla sa bago niyang proyekto.

“Malapit na malapit na po ang partnership ng Spring Films at ABS-CBN. Ito yung ‘Children of the Lake.’ Ito yung true story ng Marawi siege, kung ano yung nangyari talaga dun. Marami kasi tayong naririnig, marami tayong napapanuod na kuwento pero ito talaga yung katotohanan.
At mas maganda na abangan niyo ito.

“Hanggang ngayon nasa pre-production pa rin sila kasi ka-partner din natin ang Armed Forces of the Philippines dito. Tinutulungan nila tayo para factual yung ating pelikula, hindi po ito kuwentong kutsero,” sey pa ni Binoe sa isang panayam.

Hindi nga lang natupad ang wish ni Robin na makasama sa nasabing pelikula ang pamangkin niyang si Daniel Padilla, “Nalungkot lang ako kasi hindi natin naano (nakasama) si Daniel.

Kasi gustong-gusto ko na siya maging action star. Pero siyempre nirerespeto natin yung desisyon niya. Napunta sa ibang artista eh.

“Hindi ko alam eh kasi sila ni DJ yung nag-usap. Lumabas kasi ako sa usapan. Dito sa Children of the Lake kasi ayoko ma-involve. Yun lang ang request ko, sana makuha natin si Daniel. Final na eh, kasi magte-training na. Hindi ko nakita yung pangalan ni Daniel,” sey pa ni Robin.

Read more...