Joshua may pampa-good vibes para kay Kris

KRIS AQUINO

SUPER touched na naman ang Queen of Social Media na si Kris Aquino sa “regalo” ng kanyang anak na si Joshua.

No, hindi po materyal na bagay ang ibinigay ni Josh sa kanyang mama, kundi isang kanta na alam niyang magpapa-good vibes dito.

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan mapapanood ang pagtugtog ni Joshua ng piano, may caption ito na, “I was upstairs & could hear kuya josh practicing… i asked him why he was playing Somewhere Down the Road? He said: ‘Para feel better ka na, Mama…’

“Thank You God for these 2 boys who never fail to amaze me w/ their sensitivity to my feelings (whether physical or emotional) and will just readily do anything to make me feel #loved,” sey pa ni Kris.

Puro pampa-good vibes din ang comment ng mga followers ni Kris sa nasabing video.

Sey ni @mahinhin_08, “So bait nmn ni Kuya Josh ! Ang guapo nmn ni Kuya we love u and always praying for your family @krisaquino!”

Komento ni @queenbietoves, “A talented young man. Keep it up kuya.”

Sabi naman ni @lean2m, “I love you kuya Josh!!! That’s so sweet and thoughtful of you!”

“Hello kris maswerti ka sa mga anak mo dahil mabait sila pareho..dahil maayos ang pagpapalaki mo..at ganun din ang pagpalaki saiyo ng magulang mo. saludo ako sa mga Aquino.GOD BLESS,” ang comment naman ni @abigailbejerano.

Read more...