Halikan nina Kathryn at Daniel sa pelikula tuloy na

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

NAGKAGULO ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa social media dahil sa ipinost ng scriptwriter na si Carmi Raymundo na may konek sa bagong movie ng magka-loveteam na “The Hows of Us” ng Star Cinema.

Sa Instagram, nag-post si Carmi ng isang bahagi ng script ng nasabing pelikula, ito ang sequence 19 na nangyari noong 2010 habang nasa bar sina George (Kathryn) at Primo (Daniel). Gumaganap na vocalist ng banda si Daniel sa pelikula.

Sa isang part ng script, nakasulat ang, “George stands up from her seat, and with certainty and resolve, she goes up the stage and with those few people as witness, she kisses Primo with the same intensity as his passion for his dreams. Primo is blown away. He pulls away for a bit.”

“But after a moment, he realizes he’s just won George’s heart. And so he kisses her back. They are the happiest. Parang sila lang ang tao sa sarili nilang mundo.”

“Two young people so full of love and so full of hope for a future they are about to face together.”

Sandamamak na comments ang nakuha ng IG post na ‘yun ng Kapamilya scriptwriter at halos lahat ng nakabasa nito ay kinilig nang bonggang-bongga! Narito ang ilan sa mga komento ng KathNiel fans.

Ayon kay @lyle.porillo, “Naiimagine pa lang namin how it will look in the big screen, di na namin kinakaya, what if makita na talaga namin, ikamamatay na ata namin!”

Sey naman ni @justmejeweeel, “Just like Kath and DJ, when DJ’s just starting in showbiz. My heart be still, lalo na pag showing na THOU, baka di natin kayanin!!!”

“Iba naman kasi romcom nila ate may halong drama din. Dala ka tissue ha. Hehehe. Naloka na talaga ako sa mga ka sweetan nila sa Hawaii ate,” ang comment ni @xycie22@_sleepyheadiam.

Para naman kay @arlamhae_01, “Kathniel movie tlga 2 Gnun na Gnun ngsimula plng c Dj c Kathryn n ang andyn pra knya never cya inwan oh my gosh excited nko to watch movie.”

Chika naman ni @analoukntita, “@carmiraymundo ngbasa pa lang ako kinikilig na paano na kung ipalabas na tita grabe!”

Komento naman ni @florbrielle, “Inilabas yan para paglaruin ang mga imahinasyon nten. maexcite pa tayo lalo. iisipin nten ano pba ang mga susunod kaya na mangyayare. pls po wag nten itake negatively. pinaghirapan po yan ni ms. @carmiraymundo. Thank u po sa pasilip ma’am!”

Read more...