BUKOD sa segment nina Alden at Angelica, tinutukan din ng manonood ng KMJS ang pagwawakas ng paghahanap sa tunay na ina ng OFW na si Ryan Mendoza matapos ang limang episode.
Si Ryan ang sanggol na ibinenta noon at inampon ng Filipino couple na walang anak. Naka-base na sa Italy si Ryan at umuwi lang sa Pilipinas para hanapin ang tunay na ina.
Ang galing ng staff ng GMA magazine show sa pambibitin kung sino sa dalawang babae na nagki-claim na nanay ni Ryan ang tunay na ina. Base sa resulta ng DNA test sa dalawa, kay Maritess Tolentino nag-swak ang DNA ni Ryan at hindi kay Gina Castillo.
Sa hashtag na #KMJS, umiral ang kalokohan ng ilang netizens. Ginawang beauty pageant ang announcement na nilagyan ng korona ang winner. May kyemeng papremyo pa sila sa tunay na ina.
Inihalintulad pa nila sa Pinoy Big Brother ang announcement sa tunay na ina ni Ryan.
Ang kabaliw pa, dawit din si Korina Sanchez sa mga biruan. Si Korina ang host ng Rated K na katapat ng programa ni Jessica. May nagbiro sa page ng isang netizen sa suspense na eksena.
“Pagbukas ng pinto, si Korina pala ang nasa loob.”
“Korina: Jessica, pwede ako na lang ang mag-a-announce sa Rated K?”
Anyway, marami na namang napaiyak na manonood ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa segment ni Ryan. Congrats, Team KMJS!