MAY ipinaglalaban ang boobs ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela.
Agaw-eksena ang kaseksihan ni Rita sa nakaraang mediacon ng bago niyang musical play na “Eto na! Musical nAPO” with Mark Bautista.
Talagang halos lumuwa na ang kanyang dibdib sa suot niyang black spaghetti strap sando with red skirt. In fairness, keri naman ni Rita ang mga ganitong style at kahit paseksi ang kanyang mga OOTD (outfit of the day) ay hindi pa rin siya bastusin.
Sabi ng dalaga, walang issue sa kanya kung mas unang napapansin ng mga tao ang kanyang katawan kesa sa kanyang pagkanta at pag-arte. Isa kasi ito sa paraan para maka-move on na ang manonood sa pagiging child star niya.
Nagsimula ang career ni Rita noong 2000 nang maging grand champion sa singing competition na Popstar Kids ng QTV 11 (GMA News TV na ngayon) hanggang sa pasukin na rin niya ang pag-aartista at nalinya nga sa pagkokontrabida.
“Yung sexy kasi in a way, part of my image din siya. Nasanay na kasi yung mga tao na bata ako, I came from the Popstar Kids, the Sugar Pop, and kontrabida, bata and all. So, may konting effort para maiba naman,” sabi ni Rita kasabay ng pagsasabing may gagawin siyang project “that will change everything.”
Para sa amin, mas lamang pa rin ang talento ni Rita, at kung mabibigyan lang siya ng magandang materyal ng GMA 7 kering-keri rin niya ang maging magaling na bida-kontrabida tulad ni Glaiza Castro.
Anyway, sa lahat ng fans ni Rita at ng mga Pinoy na lumaki sa mga kanta ng APO Hiking Society, watch na ng “Eto Na! Musical nAPO!” sa Maybank Performing Arts Theatre, sa BGC, Taguig na magsisimula na sa Aug. 3, 2018 mula sa Globe Studios.
Ito’y tungkol sa pitong college friends na sumali sa isang music competition, iikot ang kuwento sa kanilang journey bilang barkada, bilang mga anak at bilang mga estudyante. Aabot daw sa 20 APO songs ang mapapakinggan sa “Eto Na…” kabilang na ang “Pumapatak ang Ulan,” “Paano,” “Nakayakap sa Dilim,” “Tuyo Ng Damdamin,” “Blue Jeans,” “When I Met You” at “Ewan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.