Andi minalas uli sa lovelife; binenta ang ari-arian kapalit ng simpleng buhay sa Baler

NAKIPAGHIWALAY na si Andi Eigenmann sa non-showbiz boyfriend niyang si Emilio Arambulo. Ibinandera ng aktres na single uli siya ngayon.

Pero kahit wala na sila ni Emilio, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang simpleng buhay sa Baler, Aurora.

“I don’t have a partner. I’m single right now. Happily single—yes, by choice,” ani Andi sa isang panayam. Hindi na idinetalye pa ng anak ni Jaclyn Jose kung ano ang rason ng kanilang break-up.

Sa Instagram account ni Andi, very obvious na wala na si Emilio sa mga latest photo niya, ang huling litrato na magkasama sila na naka-post sa IG ay noong April 9.

Samantala, pinanindigan na ni Andi ang pagiging island girl sa Baler kasabay ng pagbebenta niya ng ilan sa mahahalagang properties niya, “I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need.

“I don’t own cars, any designer clothes, bags, lahat ng mga pang-artistang ‘yan, make-up lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat, talagang simple life,” aniya pa sa isang interview.

“Life there is just so different, it doesn’t mean that everybody should move to Baler with me but na-realize ko lang na itong lugar na ‘to dito ko nababagay…I want my daughter to witness and grow up in a place like this and also the people.

“I’ve grown so close to the people who live there they’re like my family especially the little kids na mahal na mahal so why not just build my life there,” aniya pa.

Read more...