Nagbabalik na singer-actress user daw, sexy celeb ang bagong biktima

MARAMING nag-aakusa sa isang female personality ng pagpapapansin. Matagal na namahinga sa pagkanta at pag-arte ang babaeng personalidad pero kailan lang ay meron na naman siyang binabalik-balikang isyu tungkol sa kanyang personal na buhay.

Wala ngang nakaramdam sa kanyang pagkawala pansamantala, nagtuluy-tuloy naman ang ikot ng mundo ng TV at pelikula nang hindi siya napagkikita, pero bigla na naman siyang nagparamdam na gamit ang pangalan ng isang sexy female personality na diumano’y sumira sa buhay nila ng kanyang mister.

“Magaling ang timing ng babaeng ‘yun! Porke may gagawin siyang project, e, alam na alam niya kung sino ang pupuntiryahin niya para lang siya mapag-usapan!

“Binuhay na naman niya ang isang issue na nasa baul na ngayon ng alaala, gusto na naman niyang mapag-usapan ‘yun para mapansin din siya.

“Halatang-halata naman ang right timing niya! Nananahimik na nga ang pinalutang niyang controversy nu’n, tapos ngayon, e, inuungkat na naman niya! KSP siya, sa totoo lang, kulang na kulang siya sa pansin!” simulang chika ng aming impormante.

Sablay lang ang female personality dahil matalino ang kanyang binabangga. Alam nito kung kailan magbubukas ng bibig at hindi. Sorry na lang sa babaeng personalidad na naghahanap ng isyu.

“Akala siguro niya, e, papatol ang babaeng pinariringgan niya. Pero sorry na lang sa kanya, matalino ang girl, hindi siya pinapatulan! Bakit nga naman?

“Para lang siya magamit sa pagpapapansin ng girl na may pinagkakaabalahang project ngayon?

Nagamit na siya nu’n, sobrang nagamit, kaya hindi na magtatagumpay ang female personality sa kapaparinig sa kanya.

“Bakit kasi hindi na lang aminin na kahit naman wala ang pinag-iinitan niyang babae, e, talagang pa-goodbye na ang relasyon nila ng ama ng anak niya?

“Ibato ba sa ibang babae ang dahilan? Tantanan na niya ang pambubulabog ng taong nananahimik. Syarap! Syarap na talaga, dahil hindi naman kinakagat ng girl ang pain niya!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba n’yo ng clue? Syarap na rin kayo!” pagtatapos ng aming source.

Read more...