“I TREATED you as my friend, you’re a sister to me, you knew that I have family and mali ‘yung ginawa mo sa akin! How could you do that to me?” Ito ang sinabi ni Rina Navarro nang humingi ng tawad si Ara Mina dahil hindi na nga natuloy ang kanyang kasal sa tatay ng anak niya.
Bago nakipag-usap si Ms. Rina sa ilang entertainment press sa MMDA office pagkatapos ianunsyo ang naunang apat na pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2018 ay ipinagdiinan niyang, “For the record, this is an ambush interview!”
Si Ara ang tinutukoy na dahilan kung bakit naghiwalay si Rina at ang fiancé niyang si DTI Undersecretary Dave Almarinez at nakatakda na sanang ikasal.
Matatandaang aksidenteng nalaman ni Rina na karelasyon pala ng tatay ng anak niya si Ara nang mabasa nito sa cellphone ang mga mensahe ng dati niyang karelasyon.
Tinanong namin kung paano nakilala ni Rina si Ara, “I cannot recall, I’m bad with dates pero ni-recruit ko siya dahil nagtayo ako ng women’s organization. It’s an organization that helps women but the thing is, I’m the first victim,” natawang sagot niya sa amin.
Ipinaalam sa political strategist ni ex-MMDA Chairman Francis Tolentino na itinatanggi ni Ara ang paratang sa kanya at wala raw siyang inaagaw o sinirang relasyon.
“Well, closed-door (meeting) yes, she admitted! She said ‘sorry na nalaman mo, I was gonna reveal,” pagtatapat ni Ms. Rina.
Sabi pa raw ni Ara sa kaibigan, “Kawawa ka naman dahil may 6-month old baby kayo. Yes, sinabi niya ‘yun! I was gonna invite her to the baptism of my son until it happened. Pero hindi naman siya ninang.”
“I’m sorry that this coming out, the truth you know is out there. If you’re denying it, so be it. I don’t want to judge you but you know the truth,” aniya pa.
Sa ta-nong namin kung itinuloy pa ng ex-fiance niya ang pakikipagkita kay Ara, “Of course they’re not together (na). I don’t think pipiliin niya ‘yun over me, somebody else na lang. I don’t think my ex-fiance would really take her seriously,” diretsong sabi ni Rina.
Samantala, hindi naman niya itinanggi na dumaan siya sa matinding depresyon dahil sa nangyari, “The first month was para akong namamatay every day, siyempre masakit ‘yun, you know when you wake up na magising ka sa katotohanan at malaman mo ‘yung mga ganu’ng bagay.
“Magpapasalamat ka sa Diyos kasi it’s more on ‘Thank you God that you saved me from something that is…’ kumbaga mas mahirap pa dapat ‘yung pagdadaanan ko, e, kasi kung hindi ko siya nalaman, tuluy-tuloy sila, di ba?” kuwento pa niya sa entertainment press.
Humingi naman daw ng tawad ang dating karelasyon, “I believe that his apology was sincere.”
At kaya hindi na itinuloy ang kasal kahit na humingi na ng sorry ang ama ng anak ni Ms. Rina, “Because, well hindi ko alam kung ano ang sinasabi nu’ng iba but I believe that this happened at a time when we’re so happy. So, I don’t want to be with somebody who can cheat on me while we are happy,” katwiran niya.
Bibigyan pa ba niya ng ikalawang pagkakataon si Usec Almarinez? “He will always be the father of my son!” mabilis niyang sagot.
Nagkaroon ba ng violent reaction nang magkita sila ni Ara para mag-usap? “Ayokong lumabas na ganu’n. May pinag-aralan akong tao, in fact pag nadidikit ‘yung pangalan ko sa pangalan niya, I’m not comfortable with that because I’m nothing like her.”
Napatawad na ba niya si Ara at puwede pa ba uli silang maging magkaibigan?
“Ang Diyos nga nagpapatawad pero maraming populasyon sa Pilipinas, ang dami ko ring kaibigan na totoo, I don’t have to be friends with her. That’s one thing for sure. Hindi ako mapapatawad ng anak ko pag nalaman niyang naging kaibigan ko siya,” pahayag ni Ms. Rina.
Nagkakausap pa ba sila ng tatay ng anak niya? “We don’t communicate but I’m sure someday we will dahil tatay ‘yun ng anak ko. He has done good things also to me hindi naman siya masama talaga, pero dinurog niya ako. Ha-hahaha!.”
Anyway, si Ms. Rina ay miyembro ng Cinema Evaluation Board (CEB) at Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Bukas din ang pahinang ito para sa paliwanag nina Usec Almarinez at Ara Mina tungkol sa mga naging pahayag ni Rina.