‘Ibinenta Ako Ng Aking Ina’ part 6 sa KMJS

NGAYONG Linggo sa Kapuso Mo Jessica Soho, alamin kung matatapos na ba ang paghahanap ni Ryan Mendoza sa kanyang tunay na ina na diumano’y ibinenta siya ng siya’y sanggol pa lamang.

Sa ikaanim na bahagi ng seryeng “Ibinenta Ako ng Aking Ina”, lumipad mula Italy si Mendoza upang personal na alamin kung sino kina Maritess at Gina ang tunay niyang ina.

Totoo kayang ibinenta siya sa isang fish vendor, na pinaninindigan ni Gina Castillo? O tunay kayang hindi siya ibinenta at kinuha lamang siya ng kanyang kapitbahay, na ayon naman kay Maritess Tolentino? Matatapos na kaya ang paghahanap ni
Mendoza?

Samantala, alamin ang dahilan kung bakit lumaylay ang kalahati ng mala-anghel na mukha ng taga-Davao del Norte na si Angelica.

Sa Leyte naman, tunghayan ang love story ng beking si Junrell at lesbianang si Amore na nagpakilig at nagpabaliw sa maraming tao.

Samahan din si Jessica sa isang food trip na siguradong swak sa inyong panlasa ngayong tag-ulan: mga lugawan! Kilalanin din ang viral star na si Christian na nagpabilib at nagpatawa sa mga netizens dahil sa kanyang ginintuang boses…at mali-maling lyrics.

At sa Zamboanga del Norte, alamin ang katotohanan sa likod ng isang babaeng iginigiit na birhen pa siya sa kabila ng kanyang panganganak.

Huwag palampasin ang Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Linggo pagkatapos ng Lip Sync Battle Philippines sa GMA.

Read more...