Bagong hamon kay Janet Belarmino

SA extreme sport na serious mountain-climbing, merong kinikilala na pitong tallest mountain peaks sa iba’t-ibang mga kontinente ng daigdig na pangarap ng mga hard core mountaineers na maakyat.

Ang pinakakilala ay ang Mt. Everest sa Nepal sa Himalayas na pinakamataas na bundok sa mundo na may altitude na mahigit 29,000 feet above sea level.

‘Yung iba ay ang Mt. Kilimanjaro sa Africa (19,341 ft), Mt. McKinley sa North America (20,327 ft), Carstensz Pyramid sa Oceania (16,024 ft), Aconcagua sa South America (22,841 ft), Mt. Elbrus sa pagitan ng Europe at Asia (18,510 ft) at Vinson Massif sa Antartica.

May tatlong Pilipina na nakaakyat all the way sa summit ng Mt. Everest noong 2007 at ito ay sina Janet Belarmino, Carinna Dayondon at Noelle Wenceslao. Sila rin ang mga unang babae mula sa Southeast Asia na nakagawa nito.

Tinuloy pa nga nila itong pagiging adbenturera nila sa pamamagitan ng paglalayag sakay ng isang balangay sa Asia at Pilipinas.

Si Noelle, na ang pinakamatapang daw sa kanila, ngayon ay nasa Special Operations Group sa Coast Guard.

Si Carinna, nagulat ako ng malaman ko na nakaakyat na pala ng anim sa pitong bundok na nabanggit ko at ngayon ay pinaghahandaan niya ang pag-akyat sa Vinson Massif.

Si Janet, na nakakuwentuhan ko last week, ay nag-set up ng isang kumpanya kasama ang asawa niya na si Todd Forney. Ito ang Belarmino Adventures na naka-base sa Coron, Palawan. Nagdadala sila ng mga bisita sa island expeditions pero ang mas matindi nagdadala sila ng mga mountaineers sa Himalayas.

Pero sa kasamaang palad, nagkaroon ng isang tragic incident sa buhay nila at ang 9-year-old daughter nila na si Amihan ay binawian ng buhay sa isang aksidente sa Palawan noong August last year.

Nagpasya ang mag-asawa na lumayo muna sa Pilipinas at nagpunta nga sila sa Nepal noong September 2017 para sa isang 30-day trek sa bundok para magtayo ng isang memorial o stupa para kay Amihan.

Gusto na rin sana nilang mamalagi roon ngunit hindi sila kinasihan ng pagkakataon at nag-decide nga sila na bumalik dito sa atin to pick up the pieces ika nga. At isa pang dagok ang inabutan nila rito. Lahat ng kanilang kagamitan sa Coron kasama na ang kanilang houseboat ay wala na. Lumubog daw ang bangka at nanakaw lahat ng kanilang gamit.

At ito ngayon ang bagong hamon sa buhay ni Janet at Todd. Pagkatapos ng Mt. Everest trek niya, naging motivational speaker si Janet na ang ginagamit niya ay ang karanasan niya sa paghahanda at aktuwal na pag-akyat nga sa Mt. Everest.

Sa ngayon, habang hindi pa sila nakakaipon muli ng pera para itayo ang negosyo nila, naghahanap siya ng mga takers for what she has to offer bilang motivational speaker. Willing din sila na magsilbing guide sa mga bundok pero si Todd muna ang kasama dahil buntis ngayon si Janet.

Gusto rin nilang magsimula ng Nepal Pinoy Himalayan Trekking Club para sa mga gustong maranasan umakyat sa Himalayas at gusto pa nga niyang tulungan din si Carinna na makalikom ng pondo sa kanyang plano sa Antartica.

Palagay ko naman si Janet ay deserving ng anumang tulong dahil sa kanyang nagawa in the past.

Nagdala na siya ng karangalan sa Pilipiinas at ngayon na siya naman ang nangangailangan sana ay may mga tumugon.

Maaari ninyo siyang makontak sa (0915) 0918102 o sa akin at (0920)924-1981.

Read more...