Mahigit 20K na tambay naaresto sa MM

INIHAYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot na sa mahigit 20,000 ang nahuhuli sa Metro Manila bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra tambay.

Ito’y sa kabila naman ng mga batikos ng iba’t ibang grupo na kinukuwestiyon ang ligalidad nito.

Sinabi ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na sa nakalipas na mula Hunyo 13 hanggang Hunyo 29,  umabot na sa 20,979 ang naaresto dahil sa paglabag sa iba’t ibang local na ordinansa.

Base sa datos ng NCRPO umabot sa 5,463 o 26 porsitento ang inaresto dahil sa paglabag sa smoking ban.

Umabot naman sa 3,922 o 18.7 porsiyento na naaresto ay mga menor-de-edad dahil sa paglabag sa curfew, samantalang umabot sa 3,447 o 16.4 porsiyento na hinuli ay dahil sa pag-inom sa kalsada.

Samantala, tinatayang 3,137 o 15 porsiyento ang inaresto dahil sa walang damit pang-itaas at tinatayang 5,010 o 24 porsiyento naman ang inaresto sa iba pang paglabag.

Idinagdag ng NCRPO na base sa datos, ang Eastern Police District, kung saan sakop ang Pasig, Marikina, Mandaluyong, at San Juan—sa pinakamaraming hulin matapos makapagtala ng 8,315 o 40 porsiyento.

Sinundan ito ng Southern Police District (SPD), na may 4,822 o 23 porsiyento at Quezon City Police District (QCPD), 3,544 o 17 porsiyeto, Northern Police District at Manila Police District (MPD) na may 2,165 (10 porsiyento) at 2,134 (10.2 porsiyento), ayon sa pagkakasunod.

 

Read more...