Attention: DepEd
DEAR Ms. Liza Soriano:
Isa po akong ina na nangangarap mabigyan ng kinabukasan ang aking mga anak na mapag-aral.
Unti-unti po akong nawawalan ng pag-asa sa tuwing nakikita ko na ang aking anak na panganay na naghahanapbuhay upang matulungan ang sarili na magkaroon ng pera sa pamamagitan ng pagde-deliver ng purified water sa mga tindahan. Maganda naman po at siya ay natututo nang maghanapbuhay.
Ngunit mas hangad po ng magulang na makatapos ng pag aaral ang mga anak.
Gusto ko pong ipaalam sa DepEd ang pangyayari.
Ang class adviser po ng aking anak ay di agad ipinaalam sa akin bilang magulang na bagsak ito sa isang subject.
Huli na po nila nang ipabatid sa akin dahil graduation na. Hindi po ba entitled naman ang magulang sa class performance by giving reports?
Hindi po ako nabigyan ng notice para nang sa ganoon ay nakapag-usap kami nang maayos ng aking anak at ng teacher kung ano ang mabuti para sa sitwasyon. Hindi naman po masyadong mahina ang kanyang kaisipan. Pero aminado po ako na medyo makulit, pero di po ba normal lang naman yun sa pagiging teenager na lalaki.
Dalawang taon na po ang lumipas at lagi pong sinasabi na hindi pa raw po nila naayos sa regional office at wala pang sagot. Sa ngayon, ayaw na po akong harapin ng teacher niya.
Ano po ba ang mabuting gawin? Meron po bang sanction sa mga private school at sa teacher nya?
Ang school po niya ay matatagpuan sa Catanauan, Quezon Province, Bondoc Peninsula.
Marami pong salamat.
Lubos na umaasa,
Eliza Penaflorida
Brgy. Matandang Sabang Silangan
Catanauan Quezon
REPLY: Magandang araw at salamat sa pagtitiwala na ibahagi ang inyong problema sa aking column.
Nakikipag-ugnayan na po ang inyong lingkod sa Department of Education (DepEd) hinggil sa inyong hinaing at agad rin naming ipararating sa inyo ang magiging tugon ng DepEd.
Salamat po.
Aksyon Line
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.