Bobang female celeb takot nang mag-guest sa mga TV show

LIMITADO lang pala ang talento at kapasidad ng isang babaeng personalidad na gustong ipako sa krus ng marami nating kababayan.

At sa langgaman siya gustong itali ng marami, gusto siyang ipakagat sa mga hantik, ganu’n kainis sa kanya ang publiko.

Sobra ang kaangasan ng babaeng ito, kahit ano na lang ay ikinukuda niya, kasi nga ay ipinagtatanggol niya ang kanyang idolo na hindi naman gusto ng iba.

Kuwento ng aming source, “Hindi kasi alam ng mga followers niya na hindi siya ganu’n katalino, limited lang ang knowledge niya, meron lang hangganan. Hindi siya ganu’n katalino sa iniisip ng iba.

“Nakakahon lang ang katalinuhan niya, kaya nga siya nagkakaroon ng mga bloopers, di ba? Marami siyang hindi alam, pero kung makaporma siya, e, pa-know it all siya! Kahonado lang ang talent niya, kumbaga sa acting ng artista, hamonado siya!” simulang chika ng aming impormante.

Nu’ng minsang imbitahan siya sa isang programang may kalaliman ang tema ay tumanggi ang kinaiinisan ng bayan na female personality. Ayaw niya, meron daw siyang naunang kompromiso, kaya hindi siya puwede.

Balik-chika ng aming source, “So, kung hindi siya puwede that time, e, siya na ang pinapili ng date ng talent coordinator kung kailan siya puwede. Ang production na lang ang mag-a-adjust sa very hectic schedule daw niya.

“Naku, hanggang end of the year, e, may mga commitments na siya. Hindi raw siya makakasagot, dahil nagpupunta rin siya sa iba-ibang bansa na kasama ang ipinagtatanggol niyang idolo. Wala raw siyang bakanteng panahon na puwedeng ibigay sa makabuluhang show.

“Halatang-halata na ayaw niya talagang mag-guest sa show, kasi nga, napakalimitado lang ng mga alam niya, masyadong malalantad sa buong mundo na hindi naman talaga siya matalino kundi makuda lang!

“Nakakatawa, nu’ng ipina-follow-up na ng production ang guesting niya, e, hindi na siya sumasagot. Bakit nga naman niya ipaglalantaran ang kabobahan niya, e, ang alam ng mga tagasubaybay niya, e, napakatalino niya?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isa lang ang siguradong masasabi n’yo, mukha mo!

Read more...