Baguhang aktres na-in love sa ka-loveteam; BF na aktor selos na selos | Bandera

Baguhang aktres na-in love sa ka-loveteam; BF na aktor selos na selos

Reggee Bonoan - June 29, 2018 - 12:20 AM

TOTOO kaya na hiwalay na ang baguhang aktres sa boyfriend niyang aktor dahil sa pagseselos at kawalan ng oras?

Nakatsikahan namin ang common friend namin ng baguhang aktres na madalas nitong nakakausap tungkol sa buhay-buhay hanggang sa napag-usapan nga ang tungkol sa boyfriend nitong aktor.

“Sabi niya, sobrang nagseselos kasi nga wala na silang oras magkita, e, maski na anong paliwanag niya na pagod siya sa work, hindi raw maintindihan,” kuwento ng kaibigan ng baguhang aktres.

Si baguhang aktres ay maituturing na hot property ngayon ng kanyang TV network, kasama siya sa isang top-rating teleserye kaya posibleng magtagal pa ito sa serye.

May karapatan ding magselos ang boyfriend ng baguhang aktres dahil kung mapapanood ang mga eksena nito ay aakalain mong may relasyon sila ng leading man niyang matinik sa babae.

Hindi nga kaya posibleng na-fall na rin ang baguhang aktres sa kanyang leading man kaya nagkukulang na rin siya ng panahon sa boyfriend niyang aktor kaya naman selos na selos ito ngayon.

As of now ay pilit daw na gumagawa ng paraan ang boyfriend ng baguhang aktres para muli silang magbalikan dahil mahal na mahal pa rin niya ang dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending