Isang netizen ang nag-attempt na i-provoke si Kris Aquino sa pamamagitan ng pangnenega matapos manganak si Michela Cazzola sa ikalawang anak nila ni James Yap.
Parang nang-aasar at naghahanap kasi ng away ang nasabing netizen dahil nag-post pa ito ng link sa Instagram ng isang news article tungkol sa paglaki ng pamilya ni James. Dalawa na ngayon ang anak nina James at Michela, sina Michael James at Francesca Michelle.
Ito lang ang isinagot ni Kris sa netizen, “@lahlyntimosv no offense BUT annulled na kami. Life has moved forward.”
Ngunit tila ayaw tantanan ng basher si Kris na nagsabi pa ng, “Ang layo mo sa asawa ni James tahimik at Hindi pa pansin. Lol.”
Pero hindi pa rin siya pinatulan ng Social Media Queen, sa halip na tarayan ang hater, ito ang naging sagot sa kanya ni Kris, “@lahlyntimosv dapat lang po lumayo ako kasi the past is the past & i know how to respect the present.”
May isa namang netizen ang nagkomento na lumalaking gwapo ang bunsong anak ni Kris na si Bimby, nakuha raw nito ang magagandang features niya at ni James.
Reply naman ni Kris, “@princessmqu not offended at all… basta pinuri ang anak ko-i’m happy.”