Bashers ng AlDub supalpal; Alden, Maine mas dumami pa ang mga project at raket

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

NATARANTA na naman ang fans ni Maine Mendoza at siyempre, ang AlDub supporters matapos nagpahaging sa nalalapit na paglabas ng collaboration niya sa foreign cosmetic brand na MAC para sa shade ng lipstick na ginawa niya nitong January sa Toronto, Canada.

Posibleng sa buwan ng July ang launching nito although wala pang exact date na sinabi ang Phenomenal Star sa kanyang Instagram stories. At least, totoo na ito at hindi drawing lang, huh!

Teka, lumalabas na parang may festival of events si Meng ngayong Hulyo, huh! Sa Sunday, July 1, simula na ng kanyang month-long episode sa Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan mapapanood muli ang character niyang si Laura Patola.

Isang event din ang waiting sa fans niya, ang Mainelandia na gagawin sa isang lugar sa Makati City. Nitong Friday in-announce naman ng Universal Records ang pagiging recording artist niya.

Samantala, kung matutuloy, sa July rin ang premiere telecast ng Victor Magtanggol ni Alden Richards, huh! By Sept. 21, sasabak muli ang Pambansang Bae sa concert niyang “Adrenalin Rush” sa Kia Theater.

Aba, sa dami ng trabahong ginagawa nina Alden at Maine, supalpal ang mga taong nagsasabing lumamlam na ang kanilang career.

Naku, abangers pa kayo sa last quarter ng taon dahil mas marami pang pasabog, pasiklab at paandar sina Alden at Maine!

Read more...