Pinakamalalaking sweldo sa gobyerno inilabas ng COA

ANG mga opisyal ng Bangko Sentral ang nakatanggap ng mga pinakamalaking sahod at allowances noong 2017, ayon sa Report of Salaries and Allowances ng Commission on Audit.

Ang pinakamalaking kinita ay si BSP Governor Nestor Espenilla Jr., na tumanggap ng P14.920 milyon.

Sumunod naman si BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo (P13.5 milyon) na sinundan ni Development Bank of the Philippine Chief Executive Officer Cecilia Borromeo (P12.46 milyon).

Pang-apat naman si Solicitor General Jose Calida na kumita ng P10.017 milyon.
Sumunod naman si BSP Deputy Governor Maria Almasara Amador (P10.16 milyon) na sinundan ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr., (P9.59 milyon).

Ang kumompleto naman sa top 10 ay sina BSP Assistant Governor Wilhelmina Mañalac (P9.28 milyon), Senior Assistant Governor Ma. Ramona Gertrudes Santiago (P9.24 milyon), Monetary Board members Felipe Medalla (P8.869 milyon) at Juan de Zuñiga Jr. (P8.868 milyon).

Ang sinibak na si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay kumita naman ng P6.49 milyon.

Ang pinakamalaki ang sahod sa Government Service Insurance System ay si Senior Vice-President Maria Obdulia Vitug-Palanca (P6.1 milyon). Si Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Alexander Balutan naman ay ika-38 (P5.76 milyon).

Read more...