Jasmine hindi ka-join sa Victor Magtanggol, si Ruru ang bagong ka-loveteam sa pelikula

KINOREK ni Jasmine Curtis ang nasulat na kasama siya sa upcoming series ni Alden Richards sa GMA 7 na Victor Magtanggol.

Ang ginagawa ngayon ni Jasmine ay ang bagong movie with Ruru Madrid under APT Entertainment.

Of course, kalat na sa social media kung sino ang kasama ni Alden na Kapuso actress sa VM.

Pero ang alam namin, walang love angle sa kanila dahil nakasentro ang kuwento ng serye sa pagmamahal sa pamilya, kaibigan at sa bayan.

Hayaan na lang natin ang Kapuso management na maglabas ng opisyal na announcement tungkol sa superhero serye ng Pambansang Bae at kung sinu-sino ang makakasama niya rito.

Samantala, maraming memories ang naalala si Alden nang kunan ang music video para sa single niyang “I Will Be Here” under GMA Records. Naging emosyonal siya sa naging panayam sa kanya ng GMA Network.com kaugnay ng nasabing kanta.

“It was very emotional. The message is parang I’m here for this person, group of people, para sa mga taong ito sa ating society.

“I just want to be real, the truth behind life. It’s a certain reality that we’re not really aware of. Minsan kasi, when realities are too painful to see or encounter in real life, you tend to look away from it eh,” pahayag ng Pambansang Bae.

Ayon pa sa Kapuso hunk, marami ang makaka-relate sa kanyang music video at umaasa siyang maihahatid niya ang mensahe ng kanta sa publiko.

“When I do songs, there are certain messages that are inside the song. Through the music video, I want them to understand the message clearly. This music video has pain, joy and there’s so much love,” saad pa niya.

Sa gustong makauna sa pagkakaroon ng kopya ng single ni Alden, available na ang pre-order nito hanggang June 30 sa iTunes at ipalalabas ito sa digital stores sa July.

Read more...