James Yap tatakbong vice-mayor sa San Juan, kakalabanin ang partido ni Erap

PUTOK na ang balita na tatakbo bilang vice-mayor ng San Juan si James Yap sa poder ng mga Zamora.

Wala pang kumpirmasyong nanggagaling sa basketbolista, pero kahit saang lugar sa siyudad ay kalat na ang kuwento, kakalabanin ni James Yap ang partido ng mga Ejercito.

Lutang na rin ang ba-litang si Vice-Mayor Janella Ejercito ang tatakbong mayor sa susunod na halalan, tapos na ang tatlong terminong paglilingkod ni Mayor Guia Gomez, wala pang pangalang lumalabas kung sino ang magiging vice-mayor ng partido ng mga Ejercito.

Natural, nakakagulat ang kuwentong kakandidatong vice-mayor ng San Juan si James Yap.

Iniidolo siyang basketbolista ng ating mga kababayan, pero sa mundo ng pulitika ay mukhang mangangapa siya, lalo na’t panis-laway lang ang basketball player sa pagkakilala namin.

Ang hirap-hirap interbyuhin ni James, literal na yes or no lang ang kanyang sagot sa mga tanong, nga-yon pa lang ay parang hindi na namin makakayang imadyinin kung paano aakyat sa entablado de kampanya ang ex ni Kris Aquino.

Kung daanin sa pagsu-shoot ng bola ang labanan sa eleksiyon ay si-guradong dadapa ang ka-laban ni James Yap, pero kung ang magiging barometro ay ang pagtatawid ng mga gusto niyang maganap na pagbabago sa siyudad ay teka lang naman muna, hindi nakadisenyo sa mundo ng pulitika ang tatay ni Bimby.

Read more...